Gradeslip

Limang buwan na pinaghirapan
Dugo’t pawis ang naging puhunan
Ang bawat oras at panahon ay inilaan
Upang ito ay makamtan lamang

Pumasok ka sa iyong mga asignatura
Sumagot ng mga tanong sa matematika
Pati kuryente ay pinag-aralan mo na
Makamit lang ang hinahangad na marka

Di ininda ang katawang masakit
Upang sa klase ay hindi mawaglit
Dahil kung ika’y mawala ng saglit
Baka hinihangad na marka’y di makamit

Hindi ka na natutulog
Baka kasi bukas makakuha ka ng itlog
Kaya’t nagbasa ka’t nag-aral ng mabuti
Baka kasi bukas sisihin mo ang iyong sarili

Natapos mo na ang lahat
Sa tingin mo ba ito’y sapat?
Kaya’t di ka na mapakali
Lagi mong tinatanong ang iyong sarili

Dumating na ang oras na pinakahihintay mo
Ano kaya ang naging marka ko?
Pumila ka na dahil di ka na mapakali
Ngunit sa kasamaang palad ika’y nasa huli

Unti-unti nang umuusog ang pila
Malapit mo nang makuha, ang gusto mong makuha
Eto na’t nasa harapan mo na
Ang pinakahihintay mong marka

Napangiti ka ba o napasimangot?
O di kaya ay napakamot?
Ano ba ang kinahinatnan ng marka mo?
Na dugo’t pawis ang inalay mo?!……

Matagal ko ng tula yan. Iniambag ko sa portfolio ng aming institusyon kaso di ko alam kung naisama siya kasi hanggang nakapagtapos na ako ay wala akong balita. Sana magustuhan niyo…

11 responses to “Gradeslip

  1. hahaha ! nung una kong kuha ng classcard ko nun 1st sem, 1st year college umiyak ako kasi may 2 ako hahaha ! wala lang . basta lang hahaha

    • nagustuhan mo ba ang unang patikim ko ng tula. hehehe.ako nga gumuho ang pangarap kong maging cum, magna at suma cum laude nung 1st year. kasi ba naman ginawa akong 3.00 sa paborito kong asignaturang ALGEBRA. hays naalala ko na naman ang COLLEGE LIFE.

      • hahaha ! ako sa P.E pa mababa, adeek lang wala naman ginagawa . puro merienda lang .. (baka kasi d ako nag memerienda nun kaya mababa grade ko haha) 2.25 ba naman

  2. Ako’y natulala at di makapaniwala
    Markang inaasahan ko’y di nakuha
    Dugo’t pawis ay nagsilbing halimbawa
    Ng mat’yagang pag-aaral ng kusa
    Sa kabila ng lahat ako’y nagsumikap pa
    Nawa’y akin ng makamit inaasam na marka.

    Hello po kuya. Salamat sa pagsilip sa aking lungga. Paumanhin at ako’y napatula. Sadya lamang ako sa inyo’y namangha.

    • Salamat kapatid sa inyong padalaw.
      Salamat at sa lungga koy ikaw ay dumalaw
      Wag ka sanang magsawa
      At lagi kang pumunta sa aking lungga
      Muli salamat at mabuhay ka…

  3. Ako’y nagbabalik! Tsanaaan! LOL

    Magandang araw! Biyaya ng Dakilang Lumikha’y pumasaiyo.

  4. nice…tama yan berl. aral ng mabuti pra my mgandang kinabukasan😉

  5. ang sipag namang estudyante neto…😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s