PILIPINAS: Ano nga ba ang pangarap ko para SAYO?….

Ito ang entry na isasali ko sa Libre Lang Mangarap T-Shirt Season 2 ni pareng OTEP. Di ko alam kung magugustuhan niyo pero tara samahan niyo ako…

Mahigit dalawampu’t dalawang taon na din pala akong naninirahan dito sa Pilipinas. Mahigit dalawampu’t dalawang taon na din pala akong nagtitiis sa kalagayan ng ating bansa na ako mismo sa sarili ko wala akong magawa…..

Isa isahin natin ang mga pangarap ko sa bansang PILIPINAS….

EDUKASYON: Masasabi kong mapalad ako sa magulang ko sa dahilang nagtapos ako sa isang pribadong eskwelahan mula elementarya hanggang hayskul. Siguro di pa din ganoon kahirap ang PILIPINAS noon kesa ngayon. Simple lang naman ang pangarap ko sa edukasyon na walang batang hindi pumapasok sa eskwelahan. Simple lang di ba at naniniwala akong pwedeng mangyari. Paano? Ipapaliwanag ko sa kabuuan ng pangarap ko sa bansa…

PAMILYA: Kitang kita sa Pinas ang isang magandang ehemplo ng pamilya ngunit sa kasamaang palad ay nayuyurakan na ito at nasisira dahil na din sa kagagawan ng makamundong mga bagay. Kung titignan ko ang pamilya noon kesa ngayon mas masasabi kong mas maayos noon. Nalulungkot kasi ako sa dahilang bata palang eh ang gagaling ng gumamit ng salitang “PUSANG KINALBO AT GUGO”. Kung matututukan lang sila eh di wala ng problema.

WALA NG AALIS PA PARA MAGTRABAHO SA IBANG BANSA: Ala “MANNY VILLAR” Di ba? Pero para sa akin may tama din si Senador doon. Sabi nga sa english “THERE ARE LOTS OF OPPORTUNITY HERE BUT THE QUESTION IS, ARE THEY FITTED AND QUALIFIED FOR THE JOB?”. Minsan ang nakikinabang sa mga magagandang oportunidad na dumadating ay yung mga nagtapos sa mga kilala at magagandang unibersidad at konti lang yung nadadaan talaga sa lakas ng loob. Kaya ayun napipilitang mangibang bansa nalang ang mga simpleng pinoy na may kakayahan naman pero minsan di pumapasa sa mga interbyu.

WALA NANG MAHIRAP SA PINAS: Natawa ako sa sinabi ng isang taong nakilala ko sa Luneta tungkol sa sinabi ko sa kanyang naniniwala ako na wala ng magiging mahirap sa Pinas. Itatago ko nalang siya sa pangalang “BROKEN EMO”. Parang ganito ang kanya sinabi noong gabi ko siyang nakilala… “kung walang mahirap sino ang gagawa ng mga pangmahirap ng trabaho tulad ng pagtutubero at iba pa..” sabi ko sila pa din.. Ayaw niya maniwala sa pinaniniwalaan ko pero ako di pa din ako mawawalan ng pag-asa at maniniwala pa din ako…

MAGING NO. 1 SA MUNDO: Taas ng pangarap ko di ba? Na kung titignan eh napakahirap pero gaya nga ng sabi ko kanina eh naniniwala akong kaya pa at kaya talaga..

LAHAT AY MAKAKAKILALA KAY HESUS: Eto yung kadalasang binabalewala ng karamihan pero ito ang pinaka susi sa lahat. Naniniwala kasi ako na kapag tinanggap ng isang tao si HESUS bilang PANGINOON at TAGAPAGLIGTAS. Tapos ang problema.

Madami pa kung tutuusin pero simple nalang yung iba. Tara samahan niyo akong ikonekta sila isa isa…

Sa PAMILYA magsisimula ang lahat. Di ba nga ang pamilya ang pinakamahalagang parte ng isang siyudad. Kapag maayos ang pamilya pwede na natin itong ikonekta sa EDUKASYON. Sa dahilang alam naman natin na ang mga magulang natin di sila papayag na di tayo makapagaral. Tama ba ako? Kapag may sapat na edukasyon na ang lahat at handa na silang humarap sa mga kompanya dito sa PINAS eh di WALA NG AALIS PA PARA MAGTRABAHO SA IBANG BANSA at darating ang panahong WALA NANG MAHIRAP SA PINAS. Kapag nangyari yoon na maunlad na ang PINAS malay ba natin tayo ang MAGING NO. 1 SA MUNDO.

pero alam mo mangyayari lang ang lahat ng iyan kung MARAMING MAKAKAKILALA KAY HESUS at tinanggap nila si HESUS bilang PANGINOON at TAGAPAGLIGTAS.

Napakaseryoso ba? Pero ito lang kasi yung pinaniniwalaan kong paraan at alam kong paraan para mabago ang PINAS. Pahabol pa. Gusto ko lang ishare ito sa inyo lagi kasi sa amin sinasabi ito “IF I CHANGE, PEOPLE WILL CHANGE.” Kung baga hawa hawa lang yan pero dapat pag hinawaan natin ang iba dapat maganda ang resulta.

Hope maka “BASE” ako dito….. GODBLESS sa lahat. WIN or LOOSE pare pareho parin naman tayong panalo. Alam mo kung bakit? kasi pare parehas tayong mahal nating ang bayan natin. Bisitahin niyo pala ang promotor ng nasabing patimpalak: Libre Lang Mangarap T-Shirt Season 2

About these ads

7 responses to “PILIPINAS: Ano nga ba ang pangarap ko para SAYO?….

  1. great dream for the Philippines sir. And I agree with you na kung si Hesus ang makikilala nila everything will follow.

    Great piece sir!

    be blessed!

  2. pa base! :) read ko po muna

  3. @kuya pong. wag na po sir ang itawag niyo sakin. bata pa po ako. thanks. hehehe.

    @geylii cge po basahin mo muna…..

    add niyo po ako ha…. salamat…

  4. Pamilya ang sagot diyan. Mabuting pamilya, sana nga ganun kadaling umabot ng ating mga pangarap.

    • tama po kayo kuya J. Kulisap pero si GOD lang talaga ang magbabago ng bansang Pilipinas magiging instrumento lang tayo ng mga plano niya sa bansa natin. Thanks sa pag comment. Add na din po kita. Medyo Adjust pa talaga ako sa bagong mundo ko sa pagbloblog.

  5. Pingback: LLM T-SHIRT WINNERS!!! « Libre Lang Mangarap!

  6. hi po! maraming salamat sa pagsali.

    paki email na lang po yung detalye kung paano ko po maibibigay sa inyo yung t-shirt
    zef_21@yahoo.com

    real name:
    address:
    contact number:
    size ng t-shirt:

    yun lang po. salamat

    -otep

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s